-- Advertisements --

Nakataas na ang yellow rainfall alert sa mga lalawigan ng Quezon at Laguna habang patuloy na lumalapit ang bagyong Kristine.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 870 km east of Eastern Visayas.

May lakas ito ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito ng West-South-West direction sa bilis na 30 kph.

Nakataas na ang signal No. 1:

Luzon:  Catanduanes, Masbate, kasama ang Ticao Island at Burias Island, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, at eastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres)

Visayas:
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte

Mindanao:
Dinagat Islands and Surigao del Norte kasama na ang Siargao – Bucas Grande Group

Kung magpapatuloy ito sa kaniyang direksyon, magkakaroon ng landfall sa Cagayan Valley pagsapit ng Biyernes na may typhoon intensity.