Inanunsiyo ni Argentinian President Alberto Fernandez ang tatlong araw na pagluluksa bilang pagbibigay pugay sa pumanaw na football legend na si Diego Maradona.
Pumanaw ang 60-anyos na Argentinian football superstar matapos na atakihin sa puso.
Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan na ito sa utak dahil sa blood clot.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang ilang mga sports personality sa pumanaw na football legend.
Sa kani-kanilang mga social media ay nag-post sila ng larawan kasama si Maradona.
Ilan pa sa mga ito ay sina football star Cristiano Ronaldo, football great Pele, Leonel Messi at Neymar kung saan pinasalamatan nila si Maradona dahil naging inspirasyon siya ng mga ito para pasukin ang larangan ng football.
Maging sina sprinter star Usain Bolt at NBA legend Earvin Magic Johnson ay nagbigay pugay din kay Maradona.
Inaalala rin ni Pope Francis ang football star dahil bukod sa kababayan nito ay isa raw kanyang iniidolo na football player.
Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan si Maradona dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.
Naging team captain si Maradona ng Argentina Football Club ng makuha nila ang 1986 World Cup crown.
Mayroong kabuuang 34 goals sa kanyang career at 91 na laro ito sa Argentina kung saan nakasama pa siya sa apat na World Cups.
Sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan ay naging cocaine addict ito kaya na-ban ng 15 buwan matapos na magpositibo sa droga noong 1991.
Taong 1997 ng magretiro ito sa professional football kasabay ng kaniyang 37th birthday.
Naging abala na ito sa pag-manage ng ilang mga football team ng United Arab Emirates at Mexico.
Siya rin ang kasalukuyang manager ng Gimnasia y Esgrima ng Argentina bago ito pumanaw.
Nanguna naman ang Argentina Football Association sa nagpaabot din ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng football legend.