Pasok na sa second round ang Spain matapos talunin ang Iran, 73-65.
Pinangunahan ito ng NBA veteran Marc Gasol na nagtala ng 16 points, 6 rebounds at tatlong assists.
Dahil dito lumalabas na naipanalo ng Spain ang lahat ng preliminary round games sa apat sa limang FIBA World Cup tournaments na kanilang nilahukan mula pa noong taong 1998.
Makakasama naman ng Spain ang Serbia at Italy sa Group J, habang ang nalaglag na Iran ay nasa Group N kasama ang Pilipinas at Angola na magkakasya na lamang sa Classification Games.
Samantala sa ibang games, nalusutan ng Argentina ang Russia, 69-61.
Pinamunuan ang Argentina ni Facundo Campazzo na may 21 points, 7 assists at anim na rebounds.
Dahil dito na-sweep ng Argentina ang 3-0 record sa Group B habang ang Russia ay may 2-1 kartada.
Maghaharap pa rin ang dalawa sa second round kung saan unang makakaharap ng Argentina ang Venezuela na siyang nagpatanggal sa China, habang ang Russia ay makakasagupa ang Poland .