-- Advertisements --
Pumanaw na ang Argentine boxer na si Hugo Santillan matapos na magtamo ng injury sa kaniyang laban.
Itinakbo pa sa pagamutan ang 23-anyos na boksingero matapos mawalan ng malay sa laban niya kay Eduardo Javier Abreu ng Argentina noong Sabado.
Nagtagal ito ng hanggang Huwebes matapos na ito ay operahan subalit hindi na nito nakayanan at ito ay tuluyang pumanaw.
Ang laban ni Santillan kay Abreu para sa WBC Latino Silver Lightweight ay nagtapos sa draw.
Pangalawa na ngayong linggo si Santillan na boksingerong pumanaw dahil sa injury matapos ang laban na una ay si Maxim Dadashev ng Russia.