-- Advertisements --

BUENOS AIRES, Argentina – Sinintensyahan ng 18 taong pagkakabilanggo ang dating welterweight world boxing champion na si Carlos Baldomir matapos mapatunayang guilty sa reklamong sexual abuse sa sarili nitong anak.

Ang 48-year-old na dating World Boxing Council champion ng 10 buwan noong 2006, ay dinampot noong 2016 kasunod ng mga paratang na pinagsamantalahan daw nito ang anak nitong babae sa loob ng dalawang taon.

Hinatulang nagkasala si Baldomir sa “repeated sexual abuse” sa isang menor de edad.

Nang magsimula ang paglilitis noong nakaraang linggo, nag-dirty finger si Baldomir sa lahat ng mga nasa loob ng korte.

Itinuturing na career highlight ni Baldomir ang pagpapayuko nito kay unified welterweight champion Zab Judah noong Enero 2006.

Matapos nitong madepensahan ang kanyang WBC crown kontra kay Arturo Gatti, naagaw ni Floyd Mayweather Jr. ang titulo ni Baldomir sa isang unification bout noong Nobyembre ng nasabing taon.

Nagretiro ito noong 2014 na may record na 49-16-6 win-loss-draw record, na may 15 knockouts. (AFP)