-- Advertisements --

Kahit na bigong makakuha ng gintong medalya ang Argentinian fencer na si Maria Belen Perez Maurice ay masaya pa rin itong uuwi sa kanilang bansa.

Ito ay matapos na alukin siya ng kasal ng kaniyang coach at partner na si Lucas Guillermo Saucedo.

Nangyari ang proposal matapos ang laban ng 36-anyos na si Maurice kay Ana Marton ng Hungary.

Idinaan sa sulat ni Saucedo ang porposal sa kalagitnaan ng panayam ng mga mamamahayag kay Maurice na agad naman na sinagot ito ng nobya.

Aabot kasi sa 17 taon ng nagsasama ang dalawa kung saan sinamantala ni Saucedo ang Olympics para yayain ng kasal ang nobya.