-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan ng Argentine soccer team na San Lorenzo de Almagro dahil sa pagpanaw ni Pope Francis.
Ayon sa koponan na mula sa pagiging simpleng Jorge Mario Bergoglio hanggang maging Santo Papa ay hindi nagbago ang suporta nito sa koponan.
Kilala kasi ang Santo Papa na mahilig sa sport na soccer kung saan hawak pa niya ang jersey ng bansang kinagisnan niya ang Argentina.
Ang 88-anyos na Santo Papa ay miyembro ng nasabing koponan kung saan mayroon din itong ID Card na nagpapatunay ang kaniyang pagiging aktibong miyembro.