-- Advertisements --

Inaayos na nina Ariana Grande at asawang si Dalton Gomez ang kanilang paghihiwalay.

Naghain ang singer ng petition for divorce sa korte ng Los Angeles.

Inilagay ng singer sa dahilan ng paghihiwalay nila ay ang “irreconcilable difference” o ang hind na maayos na hindi pagkakaintindihan.

Ikinasal ang dalawa noong 2021 kung saan naging limitado lamang sa 20 ang bisita na ginanap sa kanilang bahay sa Montecito.

Ang nasabing pagpakasal ng dalawa ay nangyari dalawang taon matapos ang bigong engagement ng “Thank U, Next ” singer sa komedyanteng si Pete Davidson.

Noong Hulyo pa nanghinala ang mga fans ni Grande na hiwalay na ito dahil nakita nila itong nanood ng Wimbledon ng walang suot na wedding ring.