Mismong ang American pop star na si Ariana Grande ang nag-post sa kanyang Instagram account ng itinuturing na pinakamalaking campaign rally ng presidential bet na si Vice President Leni Robredo.
Ibinahagi ng 28-year-old pop star partikular sa tinatawag na IG Story ang video na nagpapakita ng naturang rally kung saan tampok ang kanyang awitin na “Break Free.”
May mga impormasyon na humigit-kumulang 100,000 ang nagsipagdalo bilang pakikiisa kay Leni at sa ka-tandem nito bilang bise presidente na si Sen. “Kiko” Pangilinan kung saan nangibabaw ang kulay pink sa Emerald Avenue sa Pasig City.
Kabilang dito ang ilang artista gaya nina Angel Locsin, Donny Pangilinan, Julia Barretto at Robi Domingo. Nag-perform naman ang folk pop band na Ben&Ben, rock band na Rivermaya, gayundin si Ebe Dancel, Noel Cabangon, at Jolina Magdangal. Agaw-pansin ang Itchyworms matapos nilang palitan ang awitin nilang “Akin Ka Na Lang” sa “Leni Ka Na Lang.”
Samantala sa pagtaya ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), naitala ang 41 degrees Celsius na heat index sa Pasay City kahapon.