-- Advertisements --
Ariana Grande
Ariana/ IG post

Naging emosyunal si Ariana Grande sa kaniyang muling pagtungtong sa stage ng Manchester.

Ito ang unang beses na kumanta ang singer sa nasabing lugar mahigit dalawang taon matapos ang naganap na bombing.

Kabilang kasi si Ariana sa ilang singer na naimbitahan sa isang music festival sa lugar noon.

Magugunitang aabot sa 22 katao ang nasawi nang pasabugin ng suicide bomber ang sarili sa “One Love” benefit concert ng singer.