-- Advertisements --

Masayang ibinalita sa kaniyang mga fans ni Ariana Grande na ito ay engaged na sa nobyong si Dalton Gomez.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang suot ang kaniyang engagement ring.

Ariana
Ariana Grande/ IG post

Aprubado umano nito ng kaniyang ina na si Joan ang kaniyang engagement.

Magugunitang noong 2018 ng hindi natuloy ang kasal nito sa dating faince na si Pete Davidson dahil sa hindi pagkakaintindihan at bago ang pagkasawi ng dating nobyong na si Mac Miller.