-- Advertisements --

Nahihiwagahan pa rin ang mga fans ng singer na si Ariana Grande kung tunay nga bang hiwalay na ito sa kaniyang asawang si Dalton Gomez.

Lumakas pa ang hinala ng mga fans ng makita ang singer na nanood sa Wimbledon finals na hindi kasama ang asawa at wala itong suot na wedding ring.

Base na rin sa malapit sa dalawa na mula pa noong Enero ay hiwalaya na ang dalawa.

Inaayos na lamang aniya nila ang ilang bagay sa kanilang divorce.

Magugunitang noong 2021 ay ikinasal ang dalawa matapos ang ilang buwan na pagsasama.