-- Advertisements --
Ibinahagi ni Ariana Grande ang behind-the-scenes na mga footages ng kaniyang bagong kanta na “Yes and?”.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video habang nirerecord ang nasabing kanta.
Nitong Biyernes kasi ay inilabas niya ang nasabing kanta matapos ang halos apat na taon ng ilabas ang “Positions” noong 2020.
Ang nasabing kanta ay unang kanta mula sa kaniyang upcoming na pang-pitong album na AG7.