-- Advertisements --

Umuwi sa kaniyang kinalakihang lugar sa Florida ang singer na si Ariana Grande para isama ang lola nito na manood ng kaniyang pelikulang “Wicked”.

Kasama kasi sa pelikula ang singer kung saan guamanap siya bilang si Glinda the Good Witch.

Pag-uwi niya sa Boca Raton, Florida ay isinama niya ang 99-anyos na lola nito na si Marjorie “Nonna” Grande.

Sa social media account ay ibinahagi ng singer ang ilang larawan na kasama ang lola niya.

Pinasalamatan niya ang kaniyang nobyo na si Ethan Slater na kasama rin sa pelikula dahil sa siya ang kumuha ng larawan habang kasama ng singer ang kaniyang lola.