-- Advertisements --

Ikinasal na ang pop singer na Ariana Grande sa kaniyang real estate agent ng nobyo.

Sa kaniyang social media account nag-post ito ng larawan ng pag-iisang dibdib nila ng 25-anyos na si Dalton Gomez.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong Enero 2020 at noong Disyembre 2020 ay engaged na ang singer.

Magugunitang noong 2018 ay engaged na rin ang singer sa komedyanteng si Pete Davidson pero naghiwalay sila matapos ang limang buwan at nagkaroon din ng matagal na relasyon ito sa rapper na si Mac Miller na pumanaw dahil sa drug overdose.