-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ariana Grande na makakasama siya sa bagong kanta ng Korean girl group na Blackpink at Selena Gomez.

Sa kaniyang Instagram account nag-share ito ng video ng producer na si Tommy Brown tungkol sa kanta nilang “Ice Cream”.

May caption pa dito kung gaano niya ipinagmamalaki ang nasabing grupo.

Nakatakdang labas ang nasabing kanta sa Agosto 28.

Magugunitang nakasama na ng Blackpink ang singer na si Lady Gaga sa kanilang kanta na “Sour Candy” mula sa bago nitong album na “Chromatica”.