-- Advertisements --

Nakapagtala ng record ang singer na si Ariana Grande.

Ito ay matapos na siya ang naging unang babae na nakakuha ng 200 million followers sa photo-sharing app na Instagram.

Sumusunod sa kaniya si Kylie Jenner na mayroong mahigit 194 million followers at Selena Gomez na mayroong mahigit 192 million followers.

Magugunitang unang tao na nakapagtala ng 200 million IG followers ay si football star Cristiano Ronaldo na mayroong mahigit 237 million followers na.