-- Advertisements --

Nagwagi bilang best actor si Arjo Atayde sa 3rd Asian Academy Creative Awards.

Ito ay dahil sa pelikula nitong “Bagman” kung saan tinalo niya ang mga pambato ng South Korea at ang Singapore na siyang naghost ng nasabing award.

Nahigitan ng actor sa nasabing kategorya ang best drama series winner ng South Korea na “Crash Landing on You” at ang Singapore.

Siya lamang ang tanging nanalo mula sa Pilipinas.

Sinabi ng actor na tuwing gumagawa ito ng mga pelikula ay isinasaalang-alang niya na ang nirerepresenta niya ay Pilipinas at hindi lamang ang sarili.