-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang isang Architect na si Vlanche Marie Bragas na ginahasa at pinatay noong Mayo 18.

Kaninang umaga, dagsa ang nakidalamhati sa pamilya ng biktima mula sa simbahan ng Sacred Heart Parish Calinan hanggang sa Calinan Memorial Park na pinangunahan ng isang pari na kamag-anak ng biktima.

Buhos naman ang pakikiramay sa mga dumalo sa libing ng 28-anyos na Architect na ginawang pribado ng pamilya.

Samantala, patuloy naman ang pag-usad ng imbistigasyon ng mga otoridad sa nasabing kaso. Sa ngayon, may limang persons of interest ng tinutukoy ang SITG Bragas.

Kung maalala, una ng nagbigay ng pabuya na P1 milyon si Cong. Paolo Duterte para sa agarang paglutas ng kaso.