Masayang ibinahagi ng actress na si Arlene Muhlach ang pagtatapos nito sa kolehiyo sa edad na 55.
Sa social media account ng actress ay nagpost ito ng mga larawan na kuha mula sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.
Isinagawa ang graduation rites sa Philippine International Convention Center (PICC) at siya ay nagtapos sa degree ng Bachelor of Arts in Communication mula sa Philippine Women’s University.
Sinabi nito na huminto sa 3rd year college para bigyang daan ang kaniyang showbiz career at ang pamilya nito.
Kasabay din nito ay pinasalamatan niya ang kaniyang mga professors at mga kaklase sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) dahil sa pagtitiwala sa kaniyang kakayahan at abilidad.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kasamahan niya sa showbiz industry.