DAVAO CITY – Hindi muna magbibigay ng kumpirmasyon ang mga miyembro ng kapulisan ng Sto. Tomas Davao del Norte dahil patuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon patungkol sa sinasabing kulto na nagdulot ngayon ng takot sa isang barangay sa lalawigan.
Ayon pa sa otoridad, kung totoo o hindi ang nasabing impormasyon kailangan pa rin umanong mag-ingat.
Pinayuhan rin nito ang mga residente na agad makipag-ugnayan sa mga Punong Barangay kung may banta ang ilang mga indibidwal lalo kung gabi.
Nanawagan rin ang kapulisan sa lalawigan sa mga residente na mas mabuting manatili na lamang sa bahay at hindi agad buksan ang mga pintuan kung may kakatok lalo na sa gabi.
Nabatid na nagdulot ng matinding takot sa mga resident eng Barangay Pantaron dahil may mga armadong lalaki na nagpakilalang miyembro ng isang kulto ang kumakatok sa kanilang mga bahay.
Sinasabing lumalabas umano ang mga ito sa gabi para pumatay lalo na kung bubuksan ang pintoan.