-- Advertisements --
Ilang katao ngayon ang ginawang hostage ng armadong lalaki sa isang synagogue sa Texas.
Nagsasagawa na ng negosasyon ang mga otoridad sa US kung saan hinihiling nito na palayain ang kapatid nitong babae na inaresto dahil umano sa terorismo.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagpa-ikot-ikot ang lalaki sa Congregation Beth Israel Synagogue sa Colleyville bago doon pinasok ang lugar.
Kinilala ang suspek na si Muhammad Siddiqui na hiling nitong palayain ang kapatid na si Aafia Siddiiqui.
Taong 2010 ng maaresto si Aafia dahil sa tangkang pagpatay sa isang US military officer sa Afghanistan.
Nahatulan itong makulong ng 86-taon sa Forth Worth area.
Pinalibutan na ng mga otoridad ang nasabing lugar kung saan patuloy ang ginagawang negosasyon.