-- Advertisements --

Ipinakalat na ang ilang miyembro ng US National Guard sa paligid ng US Capitol building matapos ang naganap na panggugulo ng mga tagasuporta ni outgoing President Donald Trump.

Nakatakda namang ipadala ang 10,000 pang guards sa Sabado dahil na rin sa ibinigay na babala ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na posibleng muling manggulo ang mga armadong extremists habang hinihintay ang inauguration ni Biden sa Enero 20.

May mga indikasyon daw kasi na ilulunsad ang armadong protesta sa lahat ng 50 mga state capitols kasama na sa Washington DC upang bulabugin ang inagurasyon ng bagong presidente.

Sinabi pa ng NBI sa kanilang internal bulletin, magsisimula raw ang armed protest sa January 17.

“On 8 January, the FBI received information on an identified group calling for others to join them in ‘storming’ state, local and federal government courthouses and administrative buildings in the event POTUS is removed as President prior to Inauguration Day,” bahagi ng FBI bulletin mula sa ulat ng CNN.