-- Advertisements --
Galing sa Iran ang armas na ginamit sa pang-aatake sa oil facilities ng Saudi Arabia.
Ito ang lumabas sa imbestigasyon na isinagawa ng Riyad-led coalition.
Sinabi ni coalition spokesman Turki al-Maliki, na kanilang iniimbestigahan na ngayon ang kung saan ito pinalipad.
Dagdag pa nito na ang strike ay hindi galing sa teritoryo ng Yemen gaya ng unang pahayag ng Huthi militia.
Iginiit nito na ang mga Huthis ay naging kasangkapan ng Iranian Revolutionary Guards at terrorist group sa Iran.
Ikinabahala ng maraming bansa ang nasabing pag-atake sa energy giant na Aramco na magdudulot ng malaking epekto sa presyo ng mga langis sa buong mundo.