-- Advertisements --
AFP2

Isinusulong ng Armed Forces of the Philippines ang iba’t ibang programa para sa mental health ng mga sundalo.

Nais ng ahensya na masigurong mapapangalaan ang mental status ng mga sundalo lalo na’t ngayon ay laganap ang problema sa mental health.

Sumusunod raw ang Armed Forces of the Philippines sa isang transformation roadmap kung saan mayroon itong iisang adbokasiya.

Asahan raw na ngayong taon at sa mga susunod pa ay magkakaroon ng maraming aktibidad sa Armed Forces of the Philippines na naglalayong mapa igting pa ang mental health awareness hindi lamang ng mga sundalo kundi pati na ng komunidad.