-- Advertisements --
Naglabas ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Ayon sa Hukbong Sandatahan ng ating bansa na mahalaga ang naturang defense cooperation agreement ng dalawang bansa sa pagsasanay ng ating hukbo sa mga makabagong pamamaraan, hindi lamang sa pakikidigma, maging sa humanitarian assistance at disaster response ng ating bansa.
Dagdag pa ng Armed Forces Philippines, na ang naturang joint training exercise ay magpapaigting pa sa magandang pakikipag-ugnayan para sa security cooperation.
Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), na mas magiging equipped ang ating mga sundalo sa naturang joint training exercise.