-- Advertisements --

Inakusahan ng Armenia ang Turkey na sila ang nagpabagsak ng kanilang fighter jet.

Ayon sa Armenian foreign minsitry, nasawi ang piloto ng Soviet-made SU-25 ng tamaan ng Turkish F-16 sa kanilang air space.

Mariing pinabulaanan naman ng Turkey ang nasabing insidente.

Suportado kasi ng Turkey ang Azerbaijan sa nagaganap na alitan nila ng Armenia sa pinag-aagawang Nagorno-Karabakh region.

Magugunitang sumiklab ang nasabing kaguluhan sa nasabing pinag-aagawang border matapos akusahan ng isa’t-isa na sila ang nagsimula ng kaguluhan.