-- Advertisements --
Pumayag ang Armenia sa pakiusap ng France, Russia at US na magkaroon ng anim na araw na ceasefire laban sa Azerbaijan.
Ito ay dahil sa ilang daang katao na ang nasawi ng muling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Azerbaijan at Armenia sa pinag-aagawang teritoryo na Nagorno-Karabakh.
Ang bansang France, Russia at US na co-chair ng Organization for Security and Co-operation in Europe (OSCE)) Minsk Mediation group.
Kapwa kasi inakusahan ng bawat isa na sila ang nagsimula ng kaguluhan sa lugar.
Hindi naman pumayag ang Azerbaijan sa nasabing kahilingan ng tatlong bansa na magkaroon ng pag-uusap.