-- Advertisements --
Ibinunyag ni Armenian Prime Minister Nikol Pashinyan na nahaharap ito sa military coup attempt matapos na ilang heneral ang nanawagan ng kaniyang pagbibitiw.
Sa kaniyang social media post, ikinokonsidera nito ang nasabing pahayag ng militar na isang coup para ito ay mapababa sa puweto.
Nagbunsod ito nang binatikos ni chief of general staff army Onik Gasparyan ang pagsibak ni Pashinyan sa first deputy chief of the general staff ng army na si Tiran Khacharyan.
Dahil dito ay nanawagan si Gasparyan na magbitiw na lamang sa puwesto si Pashinyan.
Nahaharap kasi sa batikos si Pashinyan dahil sa paghawak nito sa giyera ng Armenia sa Azerbaijan bunsod ng pinag-aagawang border na Nagorno-Karabakh.