Narekober ng mga tropa ng 3rd Mechanized Infantry Battalion ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division ang nakaimbak na armas ng NPA sa Sitio Tala, Brgy. Burgos, San Jose, Tarlac.
Kabilang sa mga narekober na armas ang isang Galil; dalawang M16 rifles; isang M203 Grenade Launcher; isang shotgun; mga magasin at bala; at 18 40mm grenade.
Ayon kay Major General Andrew Costelo ang pagkakarekober ng mga armas ay resulta ng koopersyon ng komunidad sa militar upang mawakasan na ang panggugulo ng mga teroristang komunista sa Tarlac.
Ayon sa Heneral, dahil sa walang humpay na focused military Operations ng 7ID sa Tarlac, Zambales at Pangasinan ay napilitan ang mga teroristang komunista na abandonahin ang kanilang ng kuta, at biyakin sa mas maliliit na grupo ang kanilang pwersa upang makapagtago sa militar.
Ang mga narekober armas aniya ay ibinaon ng mga nalalabing miyembro ng Komiteng Larangang Guerrilla Tarlac-Zambales (KLG-TARZAM) dahil nalagasan na sila ng mga taong gagamit nito.