Nadiskubri ng mga operating elements ng 53rd Infantry Battalion ang imbakan ng mga baril ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa may Sitio Sapa Bagol, Barangay Pange, Siayan, Zamboanga del Norte nuong July 21,2020.
Natunton ng militar ang lokasyon kung saan itinatago ng mga rebeldeng NPA ang kanilang mga armas batay sa impormasyon na ibinigay ng mga sumukong rebelde.
Narekober ng militar mula sa arms cache ang isang M653 baby armalite, 1- M16 rifle, at 1- AK47 assault rifle.
Ayon kay 53IB Commanding Officer, Lt. Col. Jo-ar Herrera ang matagumpay na operasyon ay patunay na wala ng integridad ang rebeldeng grupo.
Ang mga narekober na armas ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng 53rd Infantry Battalion.
Samantala, nasa 22 dating miyembro ng NPA mula sa Zamboanga del Norte na sumuko sa pamahalaan ay nakatanggap ng PhP 20,000.00 financial assistance sa isinagawang Provincial Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) committee meeting.
Hinimok naman ni Phil. Army 102nd Infantry Brigade Commander, Col. Leonel Nicolas, Commander, ang iba pang mga communist terrorists group members na sumuko na lamang sa pamahalaan.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Wesmincom Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na palalakasin pa ng militar ang kanilang operasyon laban sa mga rebeldeng grupo para matiyak ang peace and order sa buong rehiyon.
“While the entire nation continue to fight the contagion, we, the Team WestMinCom, sustain our efforts against the different threat groups to ensure the safety and security of the people,” wika ni Sobejana.