BUTUAN CITY – Mahigit 12,000 mga bala ng AK47 na pag-aari ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA ang narekober ng operating personnel ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 13 sa bukiring bahagi ng Tukbuon, Sitio Lamusig, Brgy. Tungao nitong lungsod ng Butuan City pasado alas-kwatro ng hapon.
Ayon kay Police Regional Office kon PRO-13 Regional Director BGen Romeo Caramat Jr., apat na mga containers na puno ng 12,013 mga bala ng AK47 ang kanilang nahukay matapos nilang respondihan ang tawag ng isang concerned citizen na may inilibing na mga bala sa naturang lugar.
Ang pagkadiskubre sa nasabing mga bala ay senyales lamang na napuno na ang komunidad sa paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA.
Kaugnay nito’y pinuri ni General Caramat ang operating team sa kanilang nagawa sabay pasasalamat sa mga tumulong sa kanilang pwersa upang mamintina ang katiwasayan nitong rehiyon.
Kaugnay nito’y tinatawagan parin ng heneral ang mga rebeldeng nananatili pa sa naturang kilusan na sumuko na at mamuhay ng matahimik kasama ang kanilang pamilya.