-- Advertisements --
zambosur

Nadiskubre ng militar at pulisya ang arms cache ng mga rebelde sa boundary ng Siayan, Zamboanga del Norte at Midsalip, Zamboanga del Sur.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command chief Lieutenant General Corleto Vinluan, batay sa ulat ni 102nd Brigade commander, Brigadier General Leonel Nicholas, natunton ang nasabing arm cache sa tulong ng sumukong rebelde.

Kabilang sa narekober ay ang dalawang AK47, isang M16A1 rifle at anim na magazine para sa AK47.

Itinurn-over na ito sa kustodiya ng 1st Provincial Mobile Force Company para sa documentation at safekeeping.

Iginiit naman ni Vinluan na katuwang ang LGUs at PNP ay patuloy nilang pahihinain ang kapabilidad ng mga rebelde upang matiyak ang seguridad ng komunidad.

“Together with local government units and PNP counterparts, we will continue to degrade the capabilities of the Communist Terrorist Group in Zamboanga del Sur province and promote security in the peaceful communities,” pahayag ni Lt. Gen. Vinluan.