-- Advertisements --
ARMY ATHLETES

Nagpaabot ng pagbati si Philippine Army chief LTGEN Romeo Brawner Jr. sa mga atleta ng Philippine Army na humakot ng maraming medalya sa kakatapos lamang na ika-32 Southeast Asian Games sa Phnom Phen, Cambodia.

Ito ay matapos na makasungkit ng kabuuang 17 medalya ang mga atleta ng Army, kung saan nanalao ang mga ito ng tatlong gold medals, 8 silver medals, at 6 bronze medals sa kasagsagan ng biennial multi-sports event kung saan nakatunggali ng mga ito ang iba’t-ibang mga elite athletes mula sa 11 Southeast Asian countries.

Ayon kay LTGEN Brawner, ang 17 medalyang nakamit ng mga Army Athletes ay nakatulong para magtapos sa ika-limang pwesto ang Team Philippines, na nananalo ng kabuuang 260 medals kabilang na ang 58 gold, 86 silver, at 116 bronze medals.

Ang paghakot ng medalya ng mga sundalo ng hukbo ay binandera ng tagumpay nina Private Crisamuel T. Delfin at Private Dexter S. Bolambao sa arnis at Corporal Ronil N. Tubog sa Wrestling Men’s Freestyle – 61 kilograms na kategorya.