-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nahaharap sa kasong adultery at concubinage batay sa Articles 333 at 334 ng Revised Penal Code ang isang Army captain at sundalong babae nang mahuli umano ng mga pulis na nagtatalik sa isang resort sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na si Captain Ricky Serfino at Private 1st Class Ronna Serra, kapwa mga tauhan ng Philippine Army.
Ayon sa ulat ng Parang PNP naaktuhan daw nilang nagtatalik sa isa sa mga cottages sa isang resort sa Parang, Maguindanao ang mga suspek.
Ang pagkahuli sa dalawa ay batay sa sumbong ng sundalong mister ni Serra.
Desidido ang mister ni Serra na sila ay sampahan ng reklamong kriminal at administratibo.
Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Parang PNP.