-- Advertisements --
Esmael Mangudadatu

Masuwerte umanong walang naitalang namatay o sugatan sa naganap na pagpapasabog sa Army checkpoint sa Barangay Macasampen, Guindulungan, Maguindanao kagabi.

Ayon kay Joint Task Force Central Spokesperson Lieutenant Colonel John Paul Boldomar, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi.

Mayroon umanong mga lawless elements na naghagis ng hand grenade sa Army detachment sa naturang lugar.

Aniya, eksakto naman umanong dumaraan sa area ang convoy ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu nang naganap ang pagsabog.

Sa ngayon, patuloy pa ring tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek sa insidente.