Malugod na binati ni Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana ang kaniyang mistah na si incoming PNP chief Maj. Gen. Debold Sinas na nakatakdang mag-assume sa kaniyang pwesto mamayang hapon.
Si Sinas at Sobejana ay kapwa miyembro ng PMA Class of 1987, mistah din nina Sinas at Sobejana sina Lt Gen. Guillermo Eleazar, Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag, M/Gen. Joselito Vera Cruz.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana, kaniyang sinabi na naniniwala siya sa kakayahan ng kaniyang mistah at epektibo nitong magagampanan ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng pambansang pulisya.
Aniya, isang magaling na police officer si Sinas at kayang kaya nitong pamunuan ang PNP organization.
Ikinatuwa din ni Sobejana ang appointment ni Sinas dahil mas madali na silang makapag-usap ngayon ng kaniyang kaklase lalo na sa mga gagawing efforts ng Philippine Army at PNP partikular sa kampanya laban sa insurgency at terorismo.
Sa ngayon may mga mechanism ng sinusunod ang PNP at AFP para maiwasan ang madugong insidente kahalintulad ng Jolo fatal shooting na ikinasawi ng apat na army officers.
Siniguro naman ni Sobejana ang suporta ng Philippine Army sa Philippine National Police (PNP).
“I would like to congratulate MGen. Sinas for a well deserved promotion, I think he can introduce new improvements in our fight against criminalities, rest assured the Philippine Army will fully support the incoming PNP chief. Wala namang problema Anne sa coordination mayruon naman tayong mechanism but since we are classmates ay talagang madalas na ang pag-uusap namin para mapaigting pa natin ang koordinasyon ng PNP at Philippine Army,” pahayag ni Sobejana sa panayam ng Bombo Radyo.