-- Advertisements --
PHILIPPINE ARMY CHIEF LT GEN ROMEO BRAWNER JR.

Pinahihigpitan pa ngayon ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagpapatupad ng neuro-psych test sa kanilang mga bagong recruit.

Kasunod pa rin ito ng naganap na shooting incident sa 4th Infantry Division sa loob ng Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Brawner, ang kaniyang ipinag-utos na mas paghihigpit ay layuning matiyak na makakapasa ang mga bagong recruit ng Philippine Army sa neuro-psych test upang maiwasan nang maulit ang ganitong klase ng mga insidente.

Samantala, kaugnay nito ay tiniyak naman ng commanding general na maayos na umiiral ang mga “mental health program” ng kanilang hukbo para sa kanilang mga sundalo.

Ngunit nang dahil aniya sa mga hamon na kinakaharap ng mga sundalo ay maaaring makaapekto pa rin ito sa kanilang kalusugang pangkaisipan dahilan kung bakit kailangang regular dapat na nache-check ang kanilang maaayos na kalagayan.