Pinaalalahanan ni Philippine Army commanding general Lt. Gen. Andres Centino ang lahat ng mga commanders na manatiling non-partisan sa darating na 2022 national and local elections.
Ayon kay Phil. Army spokesperson Col. Xeres Trinidad, ang paalala ni Centino ay “constant reminder” lang sa mga army commanders at walang partikular na opisyal na pinatatamaan ang Army chief.
Paliwanag ni Trinidad, ang paalala ng Army chief ay pag-uulit lang ng bilin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP).
“Actually its a guidance from the Secretary of National Defense and we have been reminded that the Armed Forces, particularly on the level of our commanding general, the army to remain non-partisan in this coming national election, it only means that the army will always be fair and secure everybody if needed and no to join in any sabihin nating considered political in nature for our activity,” pahayag ni Col. Trinidad.
Wala naman aniyang babala na binigay ang Army chief sa mga susuway sa kautusan, pero meron aniyang mga probisyon sa Articles of War na magpapataw ng kaukulang parusa sa mga hindi sumusunod sa kanilang superiors.
Sinabi ni Col. Trinidad na positibo naman itong tinanggap ng lahat ng mga commanders na laging sumusunod sa mga kautusan mula sa itaas.