-- Advertisements --

brawner3

Naglatag na ng kaniyang guidance si Maj. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., ang ika-65th Commanding General ng Philippine Army (CGPA)sa 100,000-strong Philippine Army personnel nationwide.


Ito ay sa pamamagitan ng acronym S.E.R.V.E. (Soldier, Enhance, Resources, Victory, Election).

Sinabi ni Brawner, mahalaga ang role ng isang role ng sundalo kaya nais nitong palawakin o i-enhance ang knowledge at skills ng mga ito para magawa nila ang kanilang trabaho ng maayos.

Siniguro din ng Heneral ang lahat ng kaukulang resources ay ibibigay sa ibat ibang army units sa field.

Naniniwala kasi si Brawner na kung well equip at competent ang mga sundalo hindi malayong makamit ang tagumpay o victory laban sa ibat ibang threat groups lalo at nalalapit ang 2022 national and local election.

Target ng Philippine Army na magkaron ng patas, credible at peaceful 2022 Election.

Sa unang command conference ni Brawner, kaniyang inanunsiyo ang pagbabalik ng Physical Fitness Tests (PFT) sa 2022 layon nito para matiyak ang physical readiness at malusog ang mga sundalo.

Inatasan ni ni Brawner ang Intelligence units ng Philippine Army na paigtingin ang kanilang operations and capabilities lalo na sa kanilang mga intelligence-driven operations.

“If we will pursue these thrusts, we will be victorious against our enemies…we will be able to hit our target to eradicate insurgency by June 2022. It’s an ambitious target but let us do our best,” pahayag ni Maj. Gen. Brawner.

Binigyang-diin din ni Brawner ang tuluyang pag eradicate sa problema sa insurgency ay magbibigay daan para maka pokus ang Philippine Army na tumulong sa Commission on Elections para maging orderly, honest, and credible ang national elections sa May 2022.

Ipupursige din ni Brawner ang Army Transformation Roadmap, kung saan bawat sundalo ay magkakaroon ng sariling scorecard.