-- Advertisements --

armyaviator2

Pinangunahan ni Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang commissioning ng dalawang bagong donasyon na R-44 Raven Light Training Helicopters sa ilalim ng pangangalaga ng Aviation “Hiraya” Regiment ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Kasabay ng pagbisita kahapon ni Sobejana sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, pinasinayaan nito ang dalawang Raven helicopters kasama si Col. Andre Santos, na siyang regiment commander.

Ang mga nasabing rotary aircrafts ay gagamitin sa training ng mga incoming rotary pilot students ng Regiment.

sobejanaarmy1

Ayon kay Sobejana, pinapalakas nila ang kanilang Aviation unit ng sa gayon ma meet ang demand ng mga ground forces gamit ang kanilang aviation capabilities sa pangunguna ng mga Army aviators.

Sinabi ng heneral malaking tulong ang kanilang Army air assets sa security requirements ng mga tropa.

Dumalo din si Sobejana sa closing ceremony ng Aviation Qualification Course kung saan 16 na mga bagong Army aviators ang grumadweyt.

Ilan sa mga bagong graduate ay sasailalim sa Rotary Wing Aircraft Training sa Fort Magsaysay habang ang iba ay idi-deploy sa isang Special Mission Aviation Company sa Visayas at Mindanao.

Pinuri naman ni Sobejana ang mga bagong aviators dahil nagawa nitong tapusin ang kanilang rigorous training.

Ginawaran naman si Sobejana bilang Honorary Command Aviator Badge dahil sa naging kontribusyon at suporta nito sa Hiraya Regiment.