-- Advertisements --
8th

Tiniyak ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino na striktong mananatiling non-partisan ang Philippine Army sa darating na halalan.

Sinabi ni Centeno, kanilang inaasahan na sila ay bibigyan ng papel ng Commission on Elections (Comelec) katuwang ang Philippine National Police (PNP) para sa maayos na pagdaraos ng eleksyon.

Una naring binilinan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga tropa na manatiling “neutral” sa panahon ng kampanya.

Mahigpit na pinagbawawalan ng Omnibus Election Code ang mga sundalo na mangampanya para sa sinumang kandidato.

Dagdag pa ni Centino na habang abala ang Phil. Army sa paghahanda para sa seguridad sa halalan, mahalaga rin na ang bawat sundalo ay makapag-exercise ng kanilang karapatang bumoto.

Sa kabilang dako, mahigpit na ipinagbabawal ng pamunuan ng Philippine Army ang deployment ng kanilang mga tauhan na magsilbing security escort lalo na duon sa mga tatakbong kandidato sa nalalapit na halalan sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, hindi kasama sa kanilang mandato na bigyang seguridad ang isang kandidato.

Aniya, maaari lamang silang magbigay ng perimeter o area security bilang tulong sa kanilang counterpart ang PNP.

Samantala, patuloy ang ginagawang pagbisita ni Lt. Gen. Centino sa mga remote at far flung detachment ng Philippine Army sa ibat ibang bahagi ng bansa upang personal alamin ang kalagayan ng mga sundalong nakatalaga sa mga nasabing lugar.

Nais kasi mabatid ng Heneral kung ano ang mga kinakailangan ng mga ito lalo na sa mga kagamitan.

Layon din ng pagbisista ng heneral sa mga remote positions ng Phil Army ay para mapataas pa ang morale ng mga sundalo.

Pina-alalahan din ni Centino ang mga sundalo sa kanilang mandato at ang thrusts ng Phil Army na i maximize ang kanilang current operational success.