Lalo pang palalakasin at paiigtingin ng Philippine Army ang kanilang kampanya laban sa terorismo at insurgency.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Phil. Army Chief Lt Gen. Cirilito Sobejana, on track ang army sa kanilang anti-terror campaign para tapusin ang teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.
Sinabi ni Sobejana, kaisa nila ang PNP at iba pang law enforcement agencies sa pagpulbos sa teroristang grupo.
Dahil sa pagiging masigasig at may sapat na kagamitan ang mga sundalong army para labanan ang mga terorista.
Tuloy tuloy din ang tagumpay sa operasyon, partikular ang maritime and air interdiction operation sa karagatan ng Sulu na ikinasawi ng pitong ASG terrorists kabilang ang kanilang mga matataas na lider.
Pinuri din ni Sobejana ang pagkakapatay sa isa sa mastermind sa Cotabato bombing.
Si Sobejana nuon ang commander ng 6th Infantry Division ng mangyari ang pagsabog.
“Rest assured that your Philippine Army will do its best effort to put an end to the menace of terrorism both the local and communist terrorists, and support our Philippine National Police (PNP) in the law enforcement operations and also doing the non traditional military operations such as disaster response and humanitarian assistance operations,” wika ni Lt Gen. Sobejana.
Mensahe naman ni Sobejana sa publiko na kailangan pa rin ng militar ang suporta ng publiko para mapanatili ang peace and order sa mga lugar na mataas ang banta ng mga terorista.
” We should recognize that security is a shared responsibility, so we have to work side by side, fight as one so that we will also win as one,” pahayag ni Sobejana.