Tiniyak ni Philippine Army chief Lt. Gen. Macairog Alberto, ang suporta sa mga tropa sa Sulu na patuloy nakikipaglaban sa mga teroristang Abu Sayyaf lalo na sa pagtugis sa grupo ni Hatib Hajan Sawadjaan na nasalikod ng kambal na pagsabog sa Jolo cathedral.
Hinimok nito ang mga sundalong army na ipagpatuloy ang kanilang misyon at huwag sila mag-alala dahil sinisiguro nito ang suporta na kanilang kakailangin.
Ang pagbisita ni Alberto sa Sulu ay resulta sa mga serye ng insidente kung saan nakasagupa ng mga sundalo ang teroristang Abu Sayyaf.
Pinakahuling enkwentro naitala sa pagitan ng 5th Scout Ranger Battalion kung saan nakasagupa nito ang mga bandidong ASG.
Sa nasabing operasyon walong sundalo patay habang 18 ang sugatan.
Binisita ni Alberto ang mga sugatang sundalo na naka confined sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista Station Hospital sa Jolo habang 12 naman ang naka confined sa Camp General Basilio Station Hospital sa WESMINCOM, Zamboanga City.
Namahagi naman ng pinansiyal na tulong ang heneral sa mga sugatang sundalo.