-- Advertisements --

army1 1

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine Army ang mga tauhan nito na manatiling non-partisan sa nalalapit na 2022 National at Local Elections.


Ito ang inihayag ni Philippine Army Commanding General Lt.Gen. Romeo Brawner Jr, matapos na nilang simulan ang pagpapakalat ng mga tao para umalalay sa Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

“All soldiers are directed to maintain a non-partisan stance on issues that are politically controversial, and leaning to electoral candidates and political parties engaged in the elections,” pahayag ni Lt.Gen. Brawner.

Magkatuwang ang militar at pulisya sa pagbabantay ng mga inilatag na checkpoint lalo na sa mga malalayong lalawigan at mga lugar kung saan kilalang may presensya ng mga rebelde.

Kasunod nito, pinaalalahanan din ni Brawner ang kanilang mga tauhan na maging maingat sa paghahayag ng saloobin gamit ang social media at pinagbawalan niya ang mga ito na magpost, maglike, magshare at magkomento sa mga aniya’y politicaly motivated na post

Siniguro din ng Army Chief ang kanilang pagsunod sa umiiral na COMELEC gun ban na nagsimula nuong Linggo, January 9,2022 hanggang June 8,2022, bawal magdala ng baril ang sinumang nasa unipormadong hanay na hindi sila naka-duty.

“Practice your right of suffrage and make sure that the coming elections will be peaceful and orderly. Troops who will perform poll duties are highly encouraged to avail of local absentee voting,” dagdag pa ni Brawner.