-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang isang army detachment commander at isa pang kasama nito sa ikinasang drug buybust operation ng mga otoridad sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Pol Lt Col Lino Capillan, spokesperson ng PNP 12, kinilala ang naarestong opisyal na si si Army Sgt Oscar Dapriza, detachment commander sa ilalim ng Delta Company ng 39IB, Philippine Army sa Barangay Lampagang, Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Capillan, kasamang naaresto ng nasabing army official ang isang babae na kinilalang si Myrene Ferino, 45 -anyos kag residente sang Glan, Sarangani Province.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang 1 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng halos P7000, marked money na P1000, mga bala, armas at isang motorsiklo.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Capillan na hindi nila kailanman kinukunsinte ang pagpapatakbo ng iligal drug activities.

Umaasa din ang opsiyal na maging babala ito sa iba pang uniformed personnel na planong pumasok sa iligalidad.

Sa ngayon, kasong paglabag sa RA 9165 at 10591 ang kakaharapin ng mga suspek.