-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagpapatuloy ngayon ang clearing operation ng mga otoridad sa nangyaring panghaharass ng pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isa sa mga Army Detachment sa Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na pinaulanan ng bala ng mga rebelde ang Pili Tabigian Patrol Base at Pili Tabigian , Caramoan Camarines Sur.

Tumagal ng halos dalawang minuto ang insidente kung saan narekober ang anim na rounds ng M16 rifle, 3 rounds ng carbine at isang round grenade launcher na pinasabog sa likurang bahagi ng kampo.

Pinaniniwalaang nakaposisyon ang mga kalaban sa tinatayang 300 metro mula sa patrol base.

Samantala, agad namang tumakas ang mga ito matapos ang insidente.

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nasabing pangyayari.