Patay ang isang army lieutenant habang siyam ang sugatan sa panibagong enkwentro sa pagitan ng mga tropa ng 32nd Infantry Batallion at ng mga teroristang Abu Sayyaf kahapon June 22 sa Sitio Tubig Bukayon, Barangay Pansul, Patikul,Sulu.
Ayon kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, isang magiting na military officer ang nagbuwis ng kaniyang buhay sa panibagong labanan.
Aniya, umigting ang labanan habang aktibong sumusuporta ang militar sa LGU para maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na virus ang Covid-19 sa probinsiya ng Sulu.
Patay sa labanan si 1Lt. Ryan Lou Retener.
Habang ang mga sugatang sundalo ay nakilalang sina: Sergeant Lito Nuevo Jr.; Privates First Classe Harold Kim Sagante, J-R Sebastian and Danar Berganio; Pvts. Jan Maligaya, Zyrus Wayas, Arthur De Leon, Raffy Santillan, at Jerric Nantes.
Kasalukuyang sumasailalim na sa medical treatment ang siyam na sugatang sundalo.
Nagpapatuloy din sa ngayon ang hot pursuit operations ng Joint Task Force Sulu laban sa mga teroristang Abu Sayyaf.
” It is with deep sadness to report that one valiant military officer paid the ultimate sacrifice and nine personnel were wounded while fearlessly fighting the enemies and protecting the people of Sulu,” pahayag ni Lt. Gen. Sobejana.
Siniguro naman naman ng Wesmincom commander na makakatanggap ng lahat ng tulong ang kamag-anak ng nasawing sundalo.
” Family of our fallen comrade will will immediately be notified and ensures that all forms of assistance are provided,” dagdag pa ni Sobejana.