Ang pamunuan ng Philippine Army ang siyang inatasang magbibigay seguridad para sa pribadong centennial birthday celebration ng dating diktador Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Lunes.
Paliwanag ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, dahil ang Army ang siyang may physical custodian ng heroe’s cemetery kaya sila ang mag handle sa pagbibigay segruidad para sa pribadong event.
Ayon kay Arevalo, nagpadala na ng abiso ang pamilya Marcos na kanilang ipagdiriwang ang ika-100 kaarawan ng dating Pangulong Marcos.
Napag-alaman na nag imbita na rin ang pamilya ng mga government officials,diplomats at mga kaibigan para dumalo sa centennial birthday ng dating pangulo.
Inihayag din ni Arevalo na tumanggi ang pamilya Marcos na i-cover ng media ang nasabing event.