-- Advertisements --

JTFsulu1

Para lalo pang mapalakas ang interoperability ng ibat-ibang AFP units sa Western Mindanao para labanan ang terorismo at iba pang mga criminal activities, nagsagawa ng weeklong Joint training exercise ang pamunuan ng Joint Task Force Sulu na nilahukan ng mga sundalong Army, Navy at Air Force.


Kapwa ipinakita ng mga sundalo ang kanilang galing sa nasabing pagsasanay.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander MGen. William Gonzales, nais nila mapabuti pa ang koordinasyon sa ibat ibang AFP units ng sa gayon kanilang mapagtagumpayan ang kanilang misyon.

” In this joint training, we have learned a lot and definetely we are gaining headway in closing operational land-air-sea gaps. With the local governments and all of the Tausog’s support I am confident that the end of terrorism in Sulu is within our reach,” pahayag ni Gonzales.

airforce

Layon din ng nasabing joint exercise na palakasin ang interoperability ng mga sundalo gamit ang kanilang mga independent capabilities at ang mahalaga magkaroon ng tiwala sa isat isa.

Nitong weekend, pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang closing ceremony ng ikinasang joint military exercise sa probinsiya ng Sulu.
Kasama ni Lorenzana na magtungo sa probinsiya si AFP chief of staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

JTFSULU6

Pinuri ni Lorenzana ang hakbang ng JTF Sulu na magsagawa ng joint training exercise para sa mga sundalo ng sa gayon mapabuti pa ang kanilang trabaho sa pagtugon sa problema sa terorismo.

” As your Defense Secretary, I am always excited to witness first-hand the efforts of our troops to further improve their skills and capacities so that they can be better fulfill their duties and do well in their missions,” pahayag ni Lorenzana.

Ang nasabing joint training exercise ay kahalintulad sa ikinasa nilang interdiction operation na tinawag na Perfect Storm 2 kung saan pitong ASG members kabilang ang dalawang sub-leaders ang nasawi sa naturang operasyon.